My Life’s Sweetest SABLAY 🌻

It’s the busiest time ever so I can’t find the time to write a blog post regarding my college graduation. I’ll be putting here instead all the messages and posts that I have posted on my social media accounts (i.e. Facebook, Twitter, and Instagram).

The Most-Awaited SABLAY Picture and Obligatory Message
DELA CRUZ,JELYNDA-E (3)

DELA CRUZ, JELYNDA URBANO
2013-37867
Bachelor of Arts in Social Sciences (Economics – Political Science)
University of the Philippines – Baguio
Cum Laude
Elected Member, Pi Gamma Mu International Honor Society of Social Sciences
Elected Member, The International Honor Society of Phi Kappa Phi
UPB Economics Society, UP Subol Society Baguio Chapter
—————————————————–Puno man ng detours ang Road to Sablay ko, at least nakarating din ako sa patutunguhan ko kaya naman nais kong magpasalamat sa lahat ng taong naging parte ng paglalakbay na ito.

Sa mga magulang ko — Mama, Papa, maraming salamat sa lahat! Alam kong hindi sapat ang mga salitang ‘yan para sa lahat ng pagsasakripsyo ninyo para sa aming tatlo nina Jessa at Tristan (lalo na sa akin) kaya naman kahit na nakakatamad na madalas, pinagtiyagaan ko yung IBANG makakapal na readings (yung iba kasi tuluyan ko nang sinukuan at hinayaan lol) para mag-homerun para makasama ko kayo sa stage. Salamat sa pag-welcome sa akin sa bahay with open arms tuwing umuuwi ako kahit na alam kong minsan umay na kayo kasi weekly na lang akong bumaba.  Tapos pala, Ma, Pa, pag umuuwi ako minsan tapos sinasabi kong wala na akong class, ang totoo niyan umaabsent talaga ako. Minsan kasi nakakapagod na at gusto ko nalang talaga umuwi at huminga. Haha! Minsan din pala umaabsent talaga ako para matulog kasi “acads is life but sleep is lifer.”  Wala na hindi niyo na ako mapapagalitan kasi tapos na. Hahaha! Salamat hindi lang sa pagiging financier, pero sa lahat. Salamat sa pagtitiwala ninyo lagi sakin kahit minsan nakakapressure na kasi grabe tiwalang binibgay niyo (lol). Wala lahat ‘to kung wala kayo! Mahal ko kayo.  Two down. Si Tristan na lang! 

Salamat din sa mga kapatid kong (Jessa at Tristan) naging inspirasyon ko para makamit lahat ng ‘to. At kay Nanay Pat, sa mga pinsan, at sa mga tito at tita na naging katuwang ko at ng mga magulang ko para matapos ‘to, maraming salamat sainyong lahat! Hindi ko na kayo iisa-isahin kasi sobrang dami natin. Haha! I am so blessed for having all of you in my life. Salamat sa suporta ninyong lahat. I am sharing this achievement to all of you!

Sa mga kaibigan ko, lalo na dun sa mga totoong kaibigan ko talaga  (alam niyo na kung sinu-sino kayo), maraming salamat! Maraming salamat sa laging pagtitiwala at sa low-maintenanced na friendship, grade school friends! Kina Clyde at Rosalie na hindi nang-iwan nitong mga nakalipas na taon, thank you!  Sa college squad ko, Iris, Justine, Pia at Gleney, salamat kasi kayo yung naging karamay ko talaga sa loob ng apat na taon sa UP (at sa labas din haha). Kay Gino na naging karamay ko nitong nakaraang walong taon na, salamat dahil sa loob ng apat na taon sa Baguio, (hindi ka nang-iwan. Nagpaparinig ako Eyra at Eyna haha jk love you beshies!  Thank you din sainyo at kay Elaine kasi kayo kasama kong nag-adjust nung unang taon natin sa Baguio) nandyan ka para makakwentuhan at makausap lagi tungkol sa kahit na anong bagay o chika (mapa-Baguio o Pangasinan man ‘yan). Kay Melanie na first college friend ko at sa buong Econ Dos Bloc 2013, salamat sainyo! Ang saya niyo kasama! Mamimiss ko kayo!

Sa natatanging dalawang orgs ko, UPB Economics Society at UP Subol Society Baguio Chapter, maraming salamat sa oportunidad na ibinigay ninyo para makilala ko pa ang sarili ko. Ang saya maging parte ng pamilya niyo!

Sa mga naging propesor ko sa UP, lalong-lalo na sa mga propesor ng Soksay at Department of Economics and Political Science, maraming salamat po mga Ma’am at Sir! Iba kayo! Thank you for sharing your knowledge and life stories.

Sa lahat ng nagtiwala na kaya ko, maraming salamat sainyo!

Maraming salamat, UP!

At higit sa lahat, Papa God, sobrang thank You! Naging posible lahat ng to dahil Sa’yo! Indeed, To God Be All the Glory! 😇🙏💖
#HusayAtDangal 💖💖💖”

#OrgPubMats
To Econ Soc and Subol,
Maraming Salamat! 💙💙

 

SABLAY 2017 🌻: The Detours Brought Me Here
HIGHLIGHTS and MESSAGES

_DSC0376About My Graduation Look.
“Sabi ko nga, puno ng detours ang Road to Sablay ko. Ang hindi ko lang in-expect, sa mismong araw din pala ng pag-Sablay ko, may detour pa ring mangyayari. I wasn’t planning to wear this. I was going for a simple off-shoulder white dress but yea. Last minute changes happened. Another “detour” happened during my last day in college and once again, it turned out great! 🌻💕”

PS. Prepared ang beshy niyo pero na-late ako! As in legit na muntik na akong di gumraduate!!! Last day as a college student and i was still late as usual. Classic me! 😭🤣But to be fair, it wasn’t entirely my fault. The salon has to do with it too.

The Laude Dream. 


“Pag sinabi ko sigurong hindi ko naman talaga goal noon na gumraduate with Latin Honors, madaming hindi maniniwala. Madaming magsasabi na pa-humble pa ako, na ang dami kong arte, etc. But you know what? Wala na akong pake. Sabi nga ng kaibigan kong si Maegan, ‘…Pibabalik ed si ka da agda ak met kabat.’ Hindi naman talaga yan kasama sa goals ko. Pagkapasok ko ng UP apat na taon na ang nakakaraan, wala akong kaplano-plano. Sabi ko pa noon, I’ll just go with the flow. Gusto ko, tahimik lang buhay ko. Walang expectations. Walang pressure. Nadala na kasi ako sa nangyari sa akin noong hayskul. Nasaktan ako noon sa totoo lang. Nasaktan ako hindi dahil sa kahit na anong award na hindi ko nakuha. Nasaktan ako dahil alam kong na-disappoint ko ang mga magulang ko kahit hindi nila sinabi sa akin.

First sem, first year college. Hindi ako college/university scholar. Ni hindi ko nga alam na may ganun pala. Nagulat nalang ako nung second sem kasi first time ko yun. Dun ko lang din nalaman na may ganun pala. Umattend ako ng convocation nun kasama sina Iris at Michael. Ang saya pala nun. Na-enjoy ko yun kasi nagkaroon ako ng chance na makakamay sila Sir Nimreh (fangirl alert haha) at makapagselfie at picture kasama sina Ma’am Mendoza at Ma’am Mai (na favorite ko since Pol Sci 11 happened). Pero alam niyo ang pinakanakapagpasaya sa akin ng sobra? Birthday ko kasi kinabukasan nun kaya balak ko talagang umuwi ng araw din ng Convocation. Umuwi ako dala yung certificate na nakuha ko. Nagulat pa mga magulang ko nun kasi hindi naman nila alam na may awarding o certificate na ganun. Balak ko kasi talaga silang i-surprise. Yung reaction nila nun, yun yung reaksyon na hindi ko nakuha nung gumraduate ako nung hayskul. Yun yung reaksyon na matagal kong hinintay na makita ulit.

Na-receive ko yung pinakaunang certificate ko sa college pero no pressure pa rin. No expectations. Sige lang. Go lang. Tapos tuwing may Convocation na darating, lagi pa naming sinasabi ni Iris nun na a-attend kami kasi sayang tapos baka last na kasi namin yun haha.

Matapos ang ilang certificates at Convocations, hindi ko pa rin alam kung ano ba cut-off nung grades para mag-laude. Na-curious nalang din ako nung lagi na akong tinatanong ng ibang kakilala at blocmates kung laude standing daw ba ako. Lagi ko pang sagot noon, “Ay hindi ko alam. Paano ba malalaman?” Lol. Tapos ayun nga. Nalaman ko yung cut-off grade. 

Nitong fourth year ko rin talaga parang na-feel yung pressure. Na-motivate kasi talaga ako nung in-advice ako ni Sir Ruel (Caricativo) nun. I-homerun ko na raw kasi last year naman na. Kayang-kaya na raw. Tapos nalaman ko rin kasi na pag graduation, hindi pala makakaakyat ng stage yung mga magulang. Makakaakyat lang sila pag laude ka. Yun yung naging driving force ko talaga. Gusto ko kasing mapaakyat ng stage mga magulang ko. Alam ko kasing deserve nila yun. Deserving silang umakyat ng stage kasi pinaghirapan nila lahat ng to.

For the past years, lagi kong sinasabi sakanila na wag silang mag-expect. Nitong kalagitnaan ng last sem nalang din nila nalaman na laude standing ako. Wala akong nakuhang pressure mula sa kanila. Ako lang din namimressure sa sarili ko minsan sa totoo lang. 😅 Pero worth it naman. Worth it kasi kasama ko silang tumanggap nung diploma ko. Worth it kasi, nasusuotan ulit ako ng medalya ng Papa ko (peyborit niya kasi yun lol). Kaya naman, Mama at Papa, para sainyo talaga ‘to! Thank you for being my number 1 motivators and supporters! Mahal ko kayo! 💕”

IMG_1279The Squad That Sablays Together, Stays Forever.

When it was decided that I’ll attend UP Baguio for college, my original plan was to transfer to Diliman after year. But then, it’s really hard to give up things such as friendship. I got to know these four wonderful people and the rest is history. “This friendship is one of the reasons why I chose to stay.” To Iris, Justine, Pia, and Gleney, thank you for putting up with me and thanks for the four amazing years! Our friendship is one of the reasons why I had a blast this college!
5

Justine.
“My thesis partner, partner in papers, reports, in everything. Sure thing, you’ve been a very responsible and reliable partner in acads. 😀 But the more important reason why I’d like to thank you is for being such a great friend these past four years. Mumshie, beshy, bro, brad, thank you for everything. You made my everyday in college easier and crazier. Kahit minsan nakakapagod na, nilulookforward ko na lang sa pagpasok e yung kadaldalan at harutan nating lima nila Iris, Pia at Gleney. Way to go, brotha. Galingan sa law school. IF EVER tuluyan ko nang talikuran ang pagla-law, ikaw nalang din tumupad nung plano ko noon para sa sarili kong yan. 😂 I know that you can do it. I am rooting for you. Make us, make me, even prouder of you. I’ll be waiting for that day that I could get to call you Atty. Justine Manuel! You go gurl! 😘”

6
Iris.
“My homerun buddy. Thank you for the friendship and for listening every time I need someone to talk to. Maraming Salamat kasi naging karamay kita sa LAHAT. Totoo nga yung sinasabi nila na mas masaya yung “tagumpay” kung may kasama ka. Mas masaya yung makatanggap ng awards ng hindi nag-iisa. I am so happy that I experienced those victorious moments with you. Naging mas madali rin yung paghohomerun kasi nandyan ka na pwede kong makausap palagi. You were there to serve as both a reminder (lalo na every time ang tamad ko at panay pagbaba/uwi nalang nasa utak ko 😂) and a motivator. Thank you sa mga mababaw na usapan. Thank you sa pagdamay sa mga kaharutan at landi moments (this goes both sides 😂). Salamat dahil naging mabuti (at baliw) kang kaibigan. Yung sinasabi ko sayo ha. You choose and do what will make you happy. Fighting! 😘”
7
Jessa.
“Thank you for all the love and support. Thank you for speaking up for me every time I cannot do it myself. I appreciate it every time you’re the one who breaks my problems to our parents. Thank you for being there always. I am sharing this achievement to you. Just like what I told you, always remember that no matter what happens, we are a team. There will always be those narrow-minded people, worse even our own relatives, who won’t stop comparing us. But mind you, I don’t care. I hope you won’t and don’t either. Continue chasing your dreams your own way. I’ll support you no matter what. Remember that. 💕”


And then, everything became Nayser

_DSC0424_1
When I got to know you.

“One of the unforgettable detours. Abalang ko binmato ak la. Andi ni manaya.” Tuloy Pa Rin pala. ❤️️

I wouldn’t change anything when it comes to the decisions that I have made (that concerns you). You definitely became a big part of my college life. You taught me things and you’ve proven me wrong. If I would be given the chance to turn back time, I’d choose to fall all over again. No regrets.
Thank you for the happy memories and life lessons. And thank you for making my heart beat that fast again. ❤️️

PS. Sorry for “snubbing” you the first time (I can’t still remember it tho 😂). But as what I’ve told you, I’m not really a snob! Hope I proved you wrong, too. 😉

_DSC0384
The End of My Road to Sablay.

Finally, after a couple of detours, I already reached the end of my Road to Sablay. I will surely come up with plans for my future, but I’d still be willing to take detours, for sure. 🌻💕
Maraming salamat, UP! 
To God Be All The Glory! 😇


Signing Off,

2013-37867

Advertisements

#GradWaiting

Jelynda Urbano Dela Cruz
2013-xxxxx
Bachelor of Arts in Social Sciences
Major in Economics, Minor in Political Science

“Sometimes the most scenic roads in life are the detours you didn’t mean to take.”
― Angela N. Blount, Once Upon an Ever After

This quote may be one of the MANY quotes that could describe my life these past four years. Looking back, I realized that I actually took a lot of detours this college.

✔ Pumasa sa UPCAT
UP wasn’t my dream university but UPCAT turned out to be the only college entrance exam that I took. Dahil una, para saan yung P500 na ibabayad ko kung sakali sa entrance exams na ititake ko kung hindi ko naman balak pumasok sa universities na pag-eexam-an ko. Sayang (Nasayangan ako). Good thing, libre yung UPCAT nun para sa top 10 students ng class. 😂  Pangalawa, nagkataon na yung scheduled entrance exam ng dream university ko sumabay sa contest noon na sinalihan ko. Sad life. But I was ready to prepare myself and pull my shts together that summer after my HS graduation. I was even scheduled to take other college entrance exams and then UPCAT result happened.

✔ Baguio
After highschool, nasa mindset ko na na sa Manila ako mag-ccollege with my sister. But as what I’ve said, UPCAT result happened. My Tita, who also graduated from UP, persuaded my mom to let me go to Baguio and study in UP. Sayang daw kasi UP.

✔ Degree Program
When I filled out my application form for UPCAT before, the only sure thing that I put there was the degree program that I wanted to take. The campuses? I just checked UP Baguio because aside from UPD, it is the only UP campus that I was familiar of that time. For the program, I chose BS Biology because I really love Biology and then minutes before the deadline, I put BS Management Economics as the second option. I was admitted in UP Baguio under the BS Biology degree program. But during the day of enrollment, I’ve decided to shift to BA Social Sciences because I thought about the job opportunities that I could get if ever I’ll take Bio. I didn’t have a plan of going to med school after so I thought that time that BS Biology wasn’t for me. One more thing, Economics got me curious during my fourth year in high school and I saw that there was an option for taking Political Science as a minor so that led me to the degree program that I’ve studied for four years in the university.

✔ Transferring to another Campus
I already planned it the moment I enrolled. Planado at pursigido akong lumipat ng campus after my first year in college. I was planning to transfer to Diliman. But when the time came that I badly needed to decide already, I didn’t expect it to be that hard because of the many possibilities. It’s hard because of the adjustments that I’ll take if ever. It’s hard because I was too lazy to process the papers and other requirements needed for transferring. 😂 It’s hard because I’ve already established friendships here that are hard to leave. Thinking all about these stuff, I’ve decided to stay at the end of the day. One more thing, naisip ko rin na kung lilipat ako, hindi ko na magagawang umuwi ng Pangasinan WEEKLY. 😂

These are just some of the many detours that I had this college. It seemed like almost everything that I’ve planned for myself didn’t turn out the way I planned them but you know what, it’s okay. It’s okay because I had a blast and everything turned out so well. It is fine because what matters most is that I have enjoyed, learned, and I’ve grown. Most things might not turned out as planned but at least, yung plano kong makagraduate after four years, mangyayari na. Malapit na malapit na. ❤

DELA CRUZ,JELYNDA-E (1)

Signing Off

“Maybe we just need to pause. We need to take a break from people; even the closest people to us. Maybe we just need to be alone to forget all the ways people look at us so we can be able to see ourselves clearly. Maybe we need to be alone to listen to our silence instead of the words people don’t say when they’re secretly judging us.” – Preach It, 2017

I am getting tired of these toxic people. I need a break. Thus, I am signing off … for now. Til next time! 💋